Indeed one of the best simple things in life. :)
(Source: walkingonadreamhowcaniexplain)
Kaagipay.
*Bago magpatuloy sa pagbabasa, i-click ang unang larawan upang lumaki ang lahat ng imahe. Salamat.

Ano ang pamilya?
Ano nga ba ang pormal at pangkalahatang kahulugan ng salitang ito?
Pamilya, ang tinataguriang pinakamaliit na sangay ng lipunan.
Ito rin ba ang kahulugan nito para sa iyo?
Halika at tunghayin mo ang akin..

Aking ipapanukala sa inyo ang tunay kahulugan at halaga ng pamilya para sa akin..
Ito ang aking kapatid na si Meghan. Isang masayahing tao..subalit sumosobra sa kadaldalan.
Ang kanyang pagiging madaldal ay bumubuo sa kanyang malikhaing pag-iisip.
Mahal na mahal namin ang kapatid naming ito dahil sa kanyang magaang aura na dinadala sa aming pamilya. Kanyang binabaon ang mga problema at bigat na mga pakiramdam ng buong pamilya dahil sa liwanag na siyang dinadala niya sa amin.

Narito naman ang aking pinakanakababatang kapatid na si Merill. Masungit at antipatika kung minsan, ngunit sobrang maalagain at pwedeng pwede mong mapagbuhusan ng iyong problema kahit anong oras.
Ito ang aking kapatid na siyang kasundo ko sa pagkonspira ng kung anu-anong mga teorya ukol sa mundo.

At ang aking kaagipay sa lahat ng bagay..
Siya ang taga-balanse ng aking pagkatao, kung baga siya ang “north pole” at ako ang “south pole.”
Ubod ng daldal, makulit, maalaga, mapagmahal at napaka-masayahing tao.
Itago natin siya sa pangalang Super Mario.

Kasama sa mga oras ng gipit, lungkot at pighati..
Sapagkat ang pamilya ay hindi lamang nagtatapos ang pagsasama at pagmamahal sa tuwing may ginhawa.

Kasabwat sa mga kalokohan sa buhay..
Sinusulit ang bawat minuto ng pagsasama na tila wala ng bukas.

Maliwanag na ba? Napakaganda ng mga taong nakapalibot sa akin, hindi ba?

Ito ang aking kahulugan ng pamilya.
Lahat ng grupo ng pamilyang ito ang bumubuo sa aking tunay na pagkatao.

Pasasalamat ko sa aking pamilya sapagkat sila ang bumuo ng kung sino man ako noon, ngayon at sa hinaharap.

RAVAGO, Monique O.
2009-29162
Filipino 25
Sir Baylon
__________________________________
Deathbylulz.com has many great blogs you will enjoy following! Follow these for the best of all humor blogs: {GIFs} {Memes} {Rage Comics} {Captions} {Cartoons} {Cool Crap} {Pics With Words} {LOLcats} {Y U No Guy} {Me Gusta} {Motivational Posters} {Thomas}











